ngayong araw na ito, ako kasama ang aking mga kaibigan-slash-kabulik na sina rizelle at arjae ay pumunta sa Claro M. Recto Memorial School upang dumalo sa pagsasanay para sa regional press con. sa kalahating araw na ito, hindi lamang pagsusulat ang aking natutunan.
tanghaling tapat, lulan ng trike kasama ang aking guro ay nagtungo kami papunta sa paaralan ng CM Recto. sa kasamaang palad, ang gahaman na trike drayber pala ay hindi rin nalalaman kung saan ba ang naturang paaralan. ang byahe papunta sa paaralan ay naging sight seeing trip ko sa lungsod ng lipa. ngayon lamang, sa apat na taong pananatili ko sa lasal, aking nakita ang ilang bahagi pa ng lipa. ito pala ay puno rin ng mga eskinita at maliliit na kalye gaya ng sarili kong lungsod. sa aming paghahanap sa eskwelahan, nakarating kami sa isang punerarya o libingan pati na rin sa isang day care center na inakala ng drayber na tinutukoy naming paaralan. sa kamalas-malasan, tama na pala ang una naming narating na paaralan ngunit hindi namin agad ito napansin. sayang ang oras. sayang ang gas ni manong. kalahating oras kaming namasyal o naghanap ng paaralan bago narating ang CM Recto. buti na nga lamang at maaga pa rin pala kami.
nagsimula na ang aming pagsasanay. ako'y bigo. inakala ko na ang aming taga-sanay ay yaong nagsanay rin sa amin noong huling pagsasanay. hindi pala. ang kanilang ipinalit ay isang matandang babae na nakasuot ng kulay ube na damit. napansin ko lang, mukha siyang buntis kapag nakatagilid. simula pa lamang, inaantok na ako. pinagsulat pa kami ng isang editoryal ukol sa dengue. malas na naman, wala akong alam tungkol dito. nagtanong ako kung pwedeng ibang paksa, pumayag naman. buti na lang. pero kahit ganoo'y wala pa rin akong gana magsulat. yae na, kung ano na lamang ang maisulat ko.
matapos magsulat, nagsimula ang mas nakakatamad na diskusyon. kung hindi nga lamang ako nahihiya, natulog na dapat ako. kung anu-ano ang pinagsasabi, hindi naman tumatama sa kung ano ang dapat niyang talakayin. nagbasa na lamang ako ng dyaryo. namura pa kami, napakatahimik daw namin, hindi na umimik. eh ano naman? bahala ka.
hindi ko kailangang makinig sa isang bagay na alam kong hindi tama. ang isang mamamahayag na tulad ko ay marunong makaintindi kung ano dapat kong gawin. hindi ako nangangailangan ng anumang pagdidikta, lalo na mula sa mga taong nagmamagaling na tulad ng babaeng nakasuot ng kulay ubeng blusa.
matapos ang napakahabang pagtuturo nga ba ay umalis na kami. sabaw na ako. piga na ang utak. lumubog na ang araw.
No comments:
Post a Comment